Get the APP hot
Home / Romance / Tayo Na Lang Ulit
Tayo Na Lang Ulit

Tayo Na Lang Ulit

5.0
10 Chapters
Read Now

About

Contents

Ang malungkot na buhay ni Chelle, ay magkakaroon ng buhay nang magbakasyon ang apo ng may-ari ng pinakamalawak na lupain sa kanilang probinsya, si Angus, kasama ang mga kaibigan nito. Paghanga na nauwi sa pagmamahalan ngunit hahadlangan ng sikreto mula sa nakaraan na naging mitsa ng pagwawakas sa kanilang pagmamahalan. Ngunit pagkatapos ng maraming mga taon, muli silang pagtatagpuin. Ngunit sa panahong ito ay hindi na malaya ang isa sa kanila. "After all these years, I still love you, Chelle. Please... Ako na lang ang mahalin mo. Ako ang piliin mo. Ako na lang ulit. Tayo na lang ulit."

Chapter 1 Summer

"Chelle!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Aling Minerva. Siya ang caretaker ng pinakamalaking bahay dito sa aming baryo at sa buong probinsya na din. Nakatirik ito sa malapit sa highway, may dalawang kilometro ang layo mula sa aming bahay.

"Bakit po, Aling Minerva?"

"May natira ka pang biko?" tanong niya habang nakapamewang at nakasandal sa gate.

Binaba ko saglit ang basket na dala ko, dahil nangangalay na ang braso ko.

"Meron pa po." Nagpunas na din ako ng aking pawis, dahil tirik na tirik ang araw ngayon. Sobrang init. Summer na kasi.

"Madami pa ba?"

"Teka lang, Aling Minerva at bibilangin ko lang." Sana kunin na niya ang natira para maubos na ang paninda ko. Kailangang-kailangan ko pa man ding mapaubos ang lahat ng ito.

"Labindalawa pa po ang lahat ng 'to, Aling Minerva."

"Sige, akin na lahat niyan! Halika dito. Sumilong ka na muna." Nagkukumahog akong lumapit sa kaniya. Pinapasok naman niya ako sa loob ng malaking bakod upang pasilungin muna sandali.

"Dumating kasi ang apo ng amo ko. Hindi sila nakapagsabi ng maaga, kaya hindi ako nakapaghanda."

"Mabuti na lang at nataunan mo akong dumaan, Aling Minerva."

"Kaya nga, e."

"Huwag mo ng i-plastik. Wait lang kukuha lang ako ng lalagyan at pera sa loob. Pasok ka na muna."

"Hindi na po. Hintayin na lang kita dito." Maputik din ang paa ko kaya nakakahiyang pumasok. Madudumihan ko lang ang makintab na sahig nila na gawa sa marmol. Nakapasok na ako dati dito, nang dito pa nakatira ang mag-asawang matanda, ngayon ay nasa Amerika na sila.

Ilang taon na silang naroon at mukhang wala ng planong bumalik pa ng Pinas. Ngayon lang may nagbakasyon sa mansion na 'to na myembro ng kanilang pamilya.

Muli akong nagpunas ng aking mukha. Sobrang init talaga. Buti na lang at ubos na ang paninda ko. Makakauwi na ako. Matutulungan ko pa si Nanay sa kaniyang labada. May sakit pa man din siya ngayon, may ubo siya at bukod doon, masakit din ang kaniyang katawan.

Mula dito sa baba ay dinig ko ang tawanan mula sa taas ng mansion. Napatingala ako at sakto naman na nakita ko ang tatlong mga binata na nakatayo sa may malaking balkonahe. Hindi ko kita ang kanilang mga mukha, dahil nakasandal ang kanilang likod sa may grills.

Nang mapansin ko na lilingon sila ay mabilis akong nagbaba ng tingin.

"Hi, sino po sila?"

Ako ba ang kinakausap ng isa sa kanila? Tumingala ako, ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin, dahil nakaramdam ako ng hiya. Pero kahit na saglit ko lang silang tiningnan, nakita ko kung gaano sila kaguwapo. Nahiya tuloy ako dahil sa itsura ko.

Nakapaa lang ako at ang paa ko ay punong-puno ng putik. Madulas kasi ang daan dahil umulan kahapon, kaya pinili kong magpaa na lang lalo at madalas matanggal ang swelas ng aking luma ng tsinelas.

Ang suot kong damit ay luma na at manipis na din. May butas din sa may laylayan ang aking tshirt. Ang garter din ng abot binti kong shorts, ay lawlaw na, kaya tinahi ko upang pasikipan para hindi magkandalaglag.

Nasaan na ba si Aling Minerva, nang makaalis na ako.

"Pasensya ka na, Chelle. Heto na ang bayad ko. Dinalhan din kita ng malamig na tubig, alam kong nauuhaw ka na. Sobrang init ng panahon, baka mapaano ka pa."

"Salamat po, Aling Minerva."

"Manang, ano iyan?" tanong ng binata na nasa taas.

"Oh, Sir. Nandiyan pala kayo! Biko po. Nagtitinda si Chelle ng biko. Dapat matikman niyo po ito, masarap silang gumawa ng biko."

Namula ang pisngi ko sa papuri ni Aling Minerva.

Hindi naman sumagot ang lalake. Pagkaubos ko ng tubig ay nagpaalam na din ako kay Aling Minerva.

Makakauwi na din ako sa wakas.

Bago ako tuluyang lumabas ng gate ay pasimple akong tumingala. Nakita ko ang mga lalake na nakaharap na, ngunit malayo ang tingin. Iyong isa na may kulay brown na buhok ang nakaagaw ng aking pansin. Siya marahil iyong apo ng may-ari ng mansion.

Kamukha niya ang kaniyang lolo. Ganito ang mukha niya nang siya ay binata pa, kagaya ng mga malaking larawan na nakadikit sa may hagdanan ng enggrandeng hagdanan ng mansion.

Nang makalabas ako ng tuluyan ng gate ay muli akong tumanaw sa may balkonahe. At dahil sa pagkagulat ay nadapa tuloy ako. Nakatingin kasi sa akin iyong lalake.

Ang putik ko na. Ano ba iyan! Kahit na masakit ang aking tuhod sa pagkakadapa sa may putikan, dali-dali akong tumayo at naglakad paalis, para makalayo na. Nakakahiya naman iyon.

Habang nasa daan ako ay nakasalubong ko si Tiyong. Ang aking step father.

"Oh, Chelle! Mabuti naman at nakasalubong kita. Pauwi ka na?" ngising tanong niya sa akin.

"O-Opo."

"Napaubos mo ang paninda mo?"

"O-Opo."

Nilahad niya ang kaniyang palad, kaya nakaramdam ako ng kaba at takot.

"T-Tiyong."

"Ibibigay mo ba sa akin iyan o hindi?!" pasigaw niyang tanong sa akin.

"T-Tiyong, kailangan ko po ng puhunan para bukas—"

"Akin na sabi, e. Kapag nanalo ako sa sabong, ibabalik ko iyan!"

"Paano po kung matalo—

"Aray ko po, Tiyong!" Basta na lang niya akong kinuwelyuhan. At basta na lang din niyang kinuha ang laman ng maliit kong bag, na pinaglagyan ko ng aking pinagbentahan.

"T-Tiyong. Aray!" Pagkatapos makuha ang pera, basta na lang niya akong binitawan, kaya nawalan ako ng balanse. Nagmartsa na siya paalis. At ako naman ay napaiyak na lang habang nakaupo sa lupa.

Umiiyak ako habang tinatahak ko ang daan pauwi ng aming bahay. May isang kilometro pa bago ako makarating sa amin. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Pagod, gutom, galit at pagkaawa sa aking sarili at ganoon na din sa aking ina na isang martir.

Nadatnan ko siya na nagkukusot ng labahin, kahit na may sakit. Hanggang ngayon ay maitim pa din ang paligid ng isang mata, dahil sa black eye na natamo niya kay Tiyong nang isang araw.

Awang-awa ako kay Nanay dahil ang payat-payat na niya.

Nang makita niya akong umiiyak ay napabuntong hininga na lang siya.

Sa itsura ko, alam kong alam na niya na wala na iyong pinagbentahan ko ng biko. Na pinaghirapan naming iluto kaninang alas-kuwatro ng madaling araw.

Hindi ko na kailangang magsabi. Alam na alam na niya ang ugali ng kaniyang pangalawang asawa, ngunit tinitiis pa din niya.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 10 Umalis na   04-23 09:05
img
1 Chapter 1 Summer
22/04/2024
2 Chapter 2 Brown eyes
22/04/2024
3 Chapter 3 Pasanin
22/04/2024
4 Chapter 4 Backride
22/04/2024
5 Chapter 5 Sir Huxley
22/04/2024
6 Chapter 6 Gubat
22/04/2024
7 Chapter 7 Sir Angus
22/04/2024
8 Chapter 8 Birthday
22/04/2024
9 Chapter 9 Masungit
22/04/2024
10 Chapter 10 Umalis na
22/04/2024
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY