Nahihirapan ako sa ngayon kasi hindi ako sanay dito, pero alam kung makakaya ko ito, at masasanay din.
"Athena Maxine Angeles, next." Tawag sakin ng isang medyo may katandaang babae. Iginiya niya ako papunta sa loob ng opisina at pinaupo sa harap ng CEOs table. By the way nag aapply ako dito bilang isang personal assistant ng bagong CEO dito.
"Tell me about you." Sabi sakin ng isang lalaki, sa tingin ko kasalukuyang personal assistant ito ng bagong CEO o di kaya malaki ang parte niya dito sa kompanya kaya siya ang nag iinterview sa amin.
"I'm Athena Maxine Angeles, I graduated com laude at University of the Philippin-."
"Wait, com laude? at UP?" Tumango naman ako sa tanong niya.
"Yes, my course is business management."
"So you know something about business?" Tumango naman ako.
"Yes, I know something about business, because aside of that my family also has a company. My dad trained me." Kinuha ko naman kasi talaga ang business management course kasi gusto ko pagmakapagtapos na ako, I will manage our company. But it turns down to this.
"Your hired." I was shocked because of what he said.
"What?" Tanong ko, ngumiti lang ito at linahad ang kamay niya sa akin.
Inabot ko lang ang kamay niya at nakipag shake hands.
"You are qualified to this job, because aside of being a personal assistant you can also help him and the company to solve some problems and you can also give some opinions. We will call you immediately if the CEO arrived at the Philippines, so be ready. I have to go, by the way congratulations." I just wave my hand at him. Pagka- alis niya saka lang nag sink in sa isip ko na tanggap ako sa trabaho.
"Hooo, finally after almost one month of being jobless now I have a work again."
Umalis ako sa kompanyang yun na may ngiti sa mga labi. Actually may trabaho ako sa kompanya namin, isa akong accountant dun, pero simula ng umalis ako sa bahay hindi na ako bumalik sa trabaho ko dun.
Wala ding alam ang mga magulang ko na umalis ako sa bahay, nasa Davao sila nun, para sa isang business metting.
Mahal ako ng mga magulang ko, at ganoon din ako mahal ko sila, medyo nasaktan at nagalit lang talaga ako sa kanila nung pilitin nila ako sa isang bagay na hindi ko gusto. Simula noon lumayo na ang loob ko sa kanila. Nasa iisang bahay kami pero di kami naguusap-usap. Hindi ko alam kung nagtatampo o galit ba sila sakin, pero alam kung mahal nila ako kahit hindi ko sila sinunod.
Sa ngayon kailangan ko lang muna pagbutihan ang trabaho ko . Tumawag na rin kanina si sir Alex Dawson, yung nag interview sakin. He informed me that the CEO will arrived tomorrow so I need to go to the office early.
Kaya andito ako ngayon pumipili ng susuotin ko bukas. Marami akong damit kasi halos dalhin ko lahat ng damit ko sa bahay papunta dito sa condo ko. Sayang kasi kung iiwan ko lang, walang gagamit.
After almost half hour choosing for my attire for tomorrow, finally i already choose.
One black pencil cut skirt above the knee, pitch long sleeve blouse and i pair it with 3 inch black high heels.
Pagkatapos kung makapili ng susuotin, naligo muna ako bago maghanda sa pag tulog. Maaga akong natulog para hindi ako malate ng gising.
"Ang aga ko natulog pero bakit late parin ako nagising." Takbo lakad ang ginawa ko papunta sa sakayan ng jeep, nung lumabas kasi ako kanina sa building ng condo ko walang kahit taxi man lang na dumadaan , kaya ni choice ako kundi maglakad papunta dito sa sakayan.
Nag a-adjust pa kasi ako sa pagsakay sa mga tricycle, jeep at bus, hindi kasi ako sanay dito. Buti na lang naging kaibigan ko si Claire, na kapit bahay ko sa condo. Tinulungan niya akong mag adjust sa ganitong buhay. Mayaman din si Claire, kaso nga lang dahil sa trabaho niya kailangan niyang humiwalay muna ng bahay sa mga magulang niya. Isa kasi siyang nusre, at ang hospital na pinagtra- trabahuhan niya ay sobrang layo sa kanila.
"Morning po manong guard." Bati ko pagpasok ko sa kompanya kay manong guard, ngumiti ito sa akin.
"Morning din pi ma'am Maxine." Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko, gayong bago pa lang ako dito. Napansin kung naka tingin siya sa leeg ko, at doon ko lang din na pansin na may ID pala ako. Ngumiti ako sa kaniya bago umalis at nagtungo sa elevator, pinindot ko ang 25th floor dahil nandoon daw ang main office ng CEO. Natatawa naman ako sa isip ko, kasi sa tanda na ng CEO pinili niya pa ang 25th floor para maging opisina. Paano na lang kung walang elevator, edi mag hahagdan siya baka nasa 3rd floor pa lang siya humina na ang tuhod niya at hindi kayanin ng puso niya atakihin pa siya sa puso. Sana man lang kahit matanda na ang boss ko hindi masungit, ulyanin, arogante at pangit.
Pero syempre joke lang ang pangit. Baka pag nalaman nun ang sinasabi ko tanggalin ako sa trabaho.
Bumukas ang elevator at nagulat ako kasi sa loob mismo ng opisina ito bumukas. Pag labas ko napa wow ako sa ganda ng loob gray at white ang pintura nito at bagay na bagay naman ang color combination nila. Nilibot ko ang paningin ko sa buong opisina, naagaw ng atensiyon ko ang isang lamesa at may nakapatung din doong mga picture frames. Because im curious linapitan ko ito tiningnan ko ang mga pictures dun. Pero ang mas naka agaw ng atensiyon ko ay ang larawan ng isang buong pamilya.
Kinuha ko ito pinag masdang mabuti, kung hindi ako nag kakamali parang nakita ko na sila, hindi ko lang alam kung saan at kung kelan.
"Good morning miss Maxine." Napalingon ako sa tumawag sa akin, si sir Alex lang pala.
"Good morning too sir." Yumuko ako.
"The CEO is on his way to the office, so be ready. Sana makatiis ka sa ugali niya." Nagtaka ako dahil sa sinabi niya.
"Why? What's wrong with the CEO?" He just smile at me, he come closer to me and then pat my shoulder.
"There's nothing wrong with the CEO, only his good attitude." Napangisi ako dun, akala ko kanina masungit ang magiging boss ko kabaliktaran pala sa iniisip ko.
"Magkakasundo pala kami ng boss ko, mabait naman pala siya kahit matanda na, sana nga lang hindi ulyanin hahaha." Natawa si sir Alex dahil sa sinabi ko, pero agad ding napahinto. Dahil sa pagbukas ng pintuan. Ang taong hindi ko inaasahan at ang taong pilit kung kinakalimutan.
He was looking at me using his serious look, to avoid his serious look i slowly bow my head to show my respect to him, because he is my boss. Sir Alex did the same also.
"Good morning Mr. CEO." I greet him, Pero hindi niya lang ako pinansin at linagpasan lang ako.
"You may go Alex." Tumango naman si Sir Alex bago umalis. Sa pintuan na ito dumaan at hindi na sa elevator.
"It's nice to see you Miss Maxine " Cold niyang sabi nagtaasan naman ang mga balahibo ko sa katawan.
"It's nice to see you too Mr. Jimenez." Ngumiti lang siya sa akin, hindi ko alam kung totoong ngiti ba yun o ano.
" Your table will be outside of my office, the first table. So go there and start your job and that is being my personal assistant. Get it?" Hindi ako sumagot sa kanya at dali-daling lumabas sa opisina niya.
"Hindi ka iiyak Athena, hindi ka iiyak. Tandaan mo wala lang yun." Paulit- ulit na sabi ko sa sarili ko, kasi pakiramdam ko hindi mag tatagal tutulo ang mga luha ko. Pumunta naman agad ako sa table ko at inabala ang sarili para hindi maisip ang tagpo kanina. Halos mag lunch break na pero wala akong natanggap na utos mula sa kanya
"Hi." Nagulat ako kasi may kumalabit sa akin, pag angat ko ng tingin ko isang babae, kumaway siya sakin kaya kinwayan ko rin.
"Lunch na, mag lunch na tayo sumabay ka na lang sakin." Aya niya sa akin. Tumango naman ako at kinuha ang wallet ko sa bag.
"Sa labas tayo o sa canteen na lang?" Tanong ko. Umakto naman siyang nag iisip.
"Sa canteen na lang para mas tipid at kung sa labas pa kasi tayo kumain ma late pa tayong dalawa ." Paliwanag niya, sumangayon naman ako sa punto niya. Nagpa-alam muna siyang magc-cr kaya hinintay ko na lang siya sa labas ng comfort room. Lakad lakad lang ako pabalik balik ng may humila sakin paharap at binigyan ako ng isang malakas na sampal.
"Tina?" Gulat kung tanong. Anong ginagawa niya dito? Bakit niya ako sinampal?