Get the APP hot
Home / Romance / The Cold Guy at the Campus are Interested with me
The Cold Guy at the Campus are Interested with me

The Cold Guy at the Campus are Interested with me

5.0
5 Chapters
9 View
Read Now

About

Contents

Paano kung ang simple mong buhay ay bigla na lang maging isang parang roller coaster ride dahil sa lalaking makikilala mo lang sa eskwelahan? tunghayan natin ang storya ng isang babae kung saan mararanasan niyang umiyak at maging masaya dahil lang sa isang tao.

Chapter 1 Sophia

Bata pa lamang si Sophia ay iniwan na ito ng tatay niya dahil sumama ito sa ibang babaeng may pera, kaya naman sa murang edad ay natutunan niyang magtrabaho upang matulungan niya ang kaniyang ina at mabigyan ng baon ang mga kaniyang mga kapatid.

Hindi sila mayaman, madalas nga ay wala silang makain dahil na rin ito sa kaniyang ama na umalis na nga ay nakuha pang dalhin ang pinaghirapang ipon ng kaniyang ina. Dahil na rin sa ginawa ng kaniyang gagong tatay ay nagkasakit ang kaniyang ina, halos nakahiga na lamang ito dahil sa sobrang nanghihina na ito.

Lahat na yata ng trabaho ay nasubukan na ni Sophia, mula sa pagiging labandera, pagtitinda, paglilinis, konduktora at marami pang iba na hindi naman kalakihan ang sahod, sapat lamang ito upang makabili ng dalawang kilo ng bigas.

Mabuti nga ay may nagrekomenda sa kaniyang kapitbahay nila na magtrabaho siya sa coffee shop na hinahandle ng kapatid ng kapitbahay niya. Okay naman siya ron at nalilibre na rin siya sa pagkain na talaga namang nakapagpatuwa sa kanya.

SOPHIA'S POV

Busy ako sa pagseserve ng pagkain sa table 2 nang may pumasok na mga estudyanteng pamilyar sa akin ang uniform, saan ko nga ba ito nakita, hmmm?

Ah, alam ko na!

Uniform 'yon ng pinag applyan kong college, ang Dawson University, isa iyong school ng mga elite at tanging mayayaman at matatalino lamang ang nakakapasok doon.

And guess what?

Dahil sa may utak naman ako ay nakakuha ako ng scholarship at mamaya lang ay malalaman ko na kung nakapasa ba ako sa school na 'yon, hihi excited na ako.

Nasa ganon akong pag iisip nang tawagin ako ng kasamahan ko at sinabing ako raw ang magserve ng order ng mga estudyanteng kanina ko pa tinitignan.

Agad din naman akong sumunod at nagpunta na sa lamesa na kinaroroonan nila upang ihatid ang kanilang mga order. Nagtatawanan at nagkukwentuhan ang mga ito pero nang dumating ako ay bigla naman silang natahimik at hindi pa nakuntento dahil tinignan pa nila ako, mula ulo hanggang paa, na ikinabahala ko naman.

Hindi kasi ako sanay na may taong titingin sa akin nang ganon, kaya naman napayuko ako habang inilalagay sa lamesa nila ang pagkain at inumin na inorder nila kanina.

Maya maya ay nagsalita ang isang blonde ang buhok na babae at sobrang kapal ng make up nito, na para bang anytime ay pwede na siyang magtanghal sa entablado bilang isang tagapagpatawa.

"Hays, pumangit tuloy ang ambiance dahil may pangit na dumating" sabi nito sa maarteng boses at nagtawanan naman sila nang mga kasama niya.

Hindi ko na lamang sila pinansin at minabuti na umalis na sa lamesang iyon, buti na lamang ay tapos ko ng ilagay ang mga pagkain nila, dahil kung hindi ako nakapagpigil ay baka naitapon ko 'yon sa mga muka nilang parang sinapak, dahil sa kapal ng mga make up, psh.

Bumalik na ako sa loob at naghihintay ng ibang utos ng pagseserve, hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ng babaeng yon sa table kanina, tsk.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang kabuuan ko, magulo ang buhok na blonde at pagod ang mga kulay asul na mata, hindi naman ito naging hadlang upang lumabas ang kagandahan ko.

Bukod sa pananamit at pagos na itsura ay wala naman akong nakikitang mali sa sarili ko. Kahit naman kasi laki ako sa hirap at bugbog sa trabaho ay maganda talaga ako.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang sinabi ng mga babae kanina at nagpatuloy na sa trabaho, mabuti na lang at madaming customer kaya naman naging sobrang busy ko at hindi ko na rin naisip ang nangyari kanina.

Nang kumaonti ang customer ay bumalik na ako sa loob at tinignan ang oras, mag 7pm na pala at malapit na ang out ko. Excited na rin akong umuwi dahil makikita ko na ang result ng exam ko sa Dawson University. Matagal ko na kasing pangarap na makapasok doon, pinag iipunan ko talaga ang tuition ko para ron, pero nang magkasakit nga anf inay ay nagastos ko iyon para sa pagpapagamot niya.

Iba pa ang maintenance niya, kaya naman hindi ako tumitigil sa pagtatrabaho para na rin sa kaniya at sa mga kapatid ko.

Napabuntong hininga na lamang ako, kung hindi lang sana kami iniwan ng lalaking 'yon at hindi niya kinuha pati ang ipon ni inay noong nasa ibang bansa siya, edi sana hindi ko nararanasan lahat nang ito.

Malapit na ang out ko kaya naman nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa shift na 'yon na magbibihis na, pumayag naman sila kaya pumunta na ako sa locker kung nasaan ang mga damit ko at pumasok sa cr upang magpalit. Habang nagbibihis ay iniisip ko na ang mga pwedeng mangyari kung makakapasok ako sa Dawson University. Sana lang ay magkaroon ako nang maraming kaibigan.

Pagkalabas ko ng banyo ay nagpaalam na ako kay Lexi at Maya na mauuna na ako sa kanilang umuwi at may kailangan pa akong daanan, after non ay lumabas na ako at nag abang ng tricycle upang makapunta sa sakayan ng jeep, wala kasing dumadaan na jeep dito kaya naman need pang sumakay ng tricycle, papunta ron.

Nakasakay naman ako agad at nakarating na sa sakayan ng jeep at sumakay na rin. Hindi pa ito puno kaya naman naghintay pa kami ng mga sakay, at nang mapuno ay umandar na rin ito.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa kanto namin kaya naman pumara na ako at nang makababa ay naglakad na papuntang computer shop, para tignan ang result ng exam. Pagkapasok ko rito ay sinabi ko agad sa nagbabantay na mag o opentime ako at tumango lamang ito sa akin.

Umupo na ako sa harap ng computer saka ko inopen ang link ng Dawson University, para makita kung nakapasa nga ba ako o hindi, pero bago ko pa man 'yon tignan ay napapikit ako at nanalangin nang bonggang bongga.

After a few mins of praying ay napagpasyahan ko na ring tignan ang result at inumpisahang hanapin ang apelyido ko,

Laurier, Lorica

Laurier, Osler

Mawawalan na sana ako nang pag asa pero buti na lamang at nakita ko na rin ang pangalan ko, grabe ang dami palang Laurier na nakapasa.

Napatalon at napahiyaw naman ako sa tuwa sa loob nang computer shop nang makita ko ang pangalan ko, sa sobrang tuwa ko ay nilapitan ko si ateng nagbabantay at hinawakan ko siya saka ako nagtatalon kaya naman pati siya ay napapatalon na rin,

"Ate, Waaaaah, Pumasa akooooo!!!" tuwang tuwa na sambit ko rito habang tumatalon pa rin kami, nakangiti naman ito sa akin, at sinabayan ako sa kung ano ba ang trip ko sa buhay,

Nang medyo mahimasmasan ay napagtanto ko na nakakahiya pala ang ginawa ko kay ate kaya naman, binitiwan ko na siya,

"Pasensya ka na ate, sobrang saya ko kasi huhu" nahihiyang sabi ko rito,

Ngumiti naman ito sa akin, "Ay nako ineng, ganiyan din reaksiyon ko noon nung nakapasa ako, kaya mag aral ka nang mabuti ha" sabi nito sa akin,

Nginitian ko ito at tumango, maya maya lang ay may dumating nang mga bata, magcocomputer yata, kaya naman nagpaalam na ako kay ate at lumabas na para makauwi na sa bahay.

Ang saya saya talaga na nakapasa ako sa pinapangarap kong eskwelahan, ngiting ngiti ako habang naglalakad.

According sa link ay magsisimula na ang klase sa Monday agad, yes, finally I'm a college student na.

Dahil lutang ang isip ko sa sobrang tuwa ay hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng bahay namin, pagkapasok ko ay naabutan kong pinupunasan ni Andrei si inay.

Si Andrei ay ang pangalawa kong kapatid, nasa first year high school na ito at siya ang naiiwan dito kapag papasok na ako sa trabaho. Agad naman nitong napansin ang presensya ko kaya naman, lumapti ito sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Ate mukang masaya ka ah, anong nangyari?" tanong nito nang makitang pangiti-ngiti ako sa gilid. Hindi ko ito pinansin at nagpunta ako sa tabi ni inay, nakangiti ito sa akin, magsasakita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Leanne, ang bunso kong kapatid.

Sakto, kumpleto na kami, pwede ko na sigurong sabihin sa kanila ang magandang balita, bumuntong hininga ako saka nagsalita, "guys, pasado ako, nay pasado ako sa university na gusto ko, college na ako naaaay" nagtatatalon kong sabi sa kanila.

Gumuhit naman sa mga muka nila ang saya. Tinignan ko naman si inay dahil bigla itong humagulgol, kaya namab niyakap ko siya at pinatahan.

"Nay wag ka nang umiyak, papangit ka niyan sige ka" biro ko sa kanya, nanggigilid na rin kasi ang luha ko, nahahawa na ako sa kanya haha.

Ilang beses kong sinabi kay inay na 'wag na siyang umiyak pero mas lalo lamang itong humagulgol, kaya naman hindi ko na rin napigilan ang luha ko na kanina pa gustong lumabas.

Ayaw ko talagang nakikita siyang umiiyak nang ganito, para kasing nadudurog ang puso ko sa bawat pagtangis niya. Hindi ko alam kung masaya ba siya dahil natanggap na ako sa gusto kong paaralan o may iba pa bang dahilan kaya siya umiiyak.

Nakayakap pa rin kami sa isa't isa kaya naman napagdesisyunan ko na rin siyang biruin ulit,

"Nay, hindi ho ba kayo masaya na makakapagkolehiyo na ako?" birong tanong ko sa kaniya at saka ngumiti. Agad naman siyang napaalis sa pagkakayakap sa akin nang marinig niya ang tanong ko.

Tinitigan lamabg ako nito at hindi rin nagtagal ay pinitik ako nito sa noo.

"Aray naman ho inay" daing ko rito, habang hinihimas ko ang noo kong namula na yata dahil sa pitik niya,

"Jusko ka namang bata ka, e malamang masaya ako at nakapasok ka na ng kolehiyo, at sa gusto mo pang paaralan, sino bang ina ang hindi matutuwa ron ha?" paliwanag nito sa akin kaya naman napangiti ako.

"Sus, e ang tagal tagal nga ho ng hagulgol niyo inay" natatawang sabi ko rito at sinundot sundot pa ang tagiliran niya na ikinatawa naman nito.

Maya maya ay napatigil na rin ako sa pagsundot ng tagiliran niya at tinanong siyang muli,

"Hindi nga inay, gusto kong malaman kung mayroon bang bumabagabag sa iyo? pwede mo namang sabihin sa akin kung ano iyon inay diba?" mahinahon na tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga na lamang si inay, alam niya kasi na wala na siyang magagawa kung hindi sabihin yung problema niya, lalo na kapag derektahan na yung tanong ko sa kaniya,

"Wala nak, nalulungkot lang ako kasi ako dapat ang gumagawa ng paraan para mapag-aral ka sa gusto mong paaralan pero-" hindi na nito natuloy ang sinasabi niya dahil agad ko rin naman itong pinutol.

"Nay, wala kang kasalanan, isa pa 'wag mo ngang sisihin sarili mo, 19 na ako, kaya ko na rin ang sarili ko no, at wag mo nga sirain ang masayang moments ko duh" natatawang biro ko rito,

"Oo nga no, HAHAHAHAHA pasensya na nak, ang attitude mo naman nak" nakahinga naman ako nang maluwag, nang makita ko na nakangiti na ito habang sinasabi niya sa akin 'yan.

"Sus, kanino pa ho ba magmamana, edi sa iyo lang inay" napalingon ako sa nagsalita, si andrei pala na kanina pa nakikinig sa usapan namin,

Natawa naman ako sa sinabi niya dahil totoo naman kasi, noong bata pa kasi kami ay palagi kaming pinapalo ni inay at sinusungitan.

"Oo nga, ang sungit sungit mo inay kaya wala ka nang magagawa, kasi anak mo ako" proud na proud na sabi ko rito,

"HAHAHAHAHAHA hay nako, kayo talagang mga bata kayo oo, maghanda na nga kayo ng pagkain at mukang gutom na kayo", biro ni inay kaya naman sumunod na kami agad sa kaniya.

Habang nag aayos ng mga plato ay tinawag ko si andrei,

"Drei, bili ka softdrinks don kila aling Nena samahan mo na rin ng lumpia na tinda nila ron para makapagcelebrate rin tayo" utos ko rito na agad din naman niyang sinunod,

Pagkaalis nito ay binuhat ko na si inay at inupos sa wheelchair niya, at sinandukan ko ito, gayundin ang plato ni Leanne at Andrei,

Hindi rin naman nagtagal ay nakauwi na si Andrei kaya naman nanalangin na kami saka masayang kumain,

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako na matutulog na dahil maaga pa ako bukas para bumili ng mga gamit, pagkarating ko sa kwarto ko na hindi kalakihan ay nahiga na rin ako agad,

"'Pag nakapagtapos ako nang pag aaral, makakahiga rin ako sa kama na kasing lambot ng balahibo ng tuta" bulong ko sa sarili ko, natawa naman ako at napagdesisyunan nang matulog.

Napakaraming nangyari, sana lang ay magtuloy tuloy na ito.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 5 Kabanata   06-22 10:25
img
1 Chapter 1 Sophia
22/06/2022
2 Chapter 2 Kabanata
22/06/2022
3 Chapter 3 Kabanata
22/06/2022
4 Chapter 4 KABANATA
22/06/2022
5 Chapter 5 Kabanata
22/06/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY