Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / My Twins Babysitter Is The President's Agent Son
My Twins Babysitter Is The President's Agent Son

My Twins Babysitter Is The President's Agent Son

5.0
5 Mga Kabanata
187 Tingnan
Basahin Ngayon

Angel Mary Santos, Isang single mother ng kambal na batang lalaki na pilit tinatakasan ang napaka raming mga armadong kalalakihan na ang misyon ay wakasan ang kanyang buhay at ng kanyang mga anak sa hindi niya malamang dahilan. At sa kanyang pag takas ay natagpuan siya ng isang gwapong lalaki. Zachary luxwill lavigne, the guy who found and save her is not just an ordinary man. Because this man is a very important person to our society- scratch that his important to the Philippines republic for a simple reason that he is the only son of the president, the philippines president indeed. But aside from being the only son of the president, he is also the founder of an private investigation company that is handling and performing missions that the government can't solve. To be exact this man is not just the president's son but also an agent a secret agent. At sa pagta tagpo ng kanilang landas, did our single mother found a... SAFETY PLACE? or a DANGEROUS PLACE?

Mga Nilalaman

Chapter 1 President's Son

"Takbo, angel takbo."

"Malapit na kami, bilisan mong tumakbo. Takbo, takbo."

Pinilit kong hindi lumingon sa pinang galingan ng boses na sumusunod sa akin, pero hindi ko magawa. Lumingon ako at nakitang malapit na ang mga ito.

Marami sila at lahat sila mga armado. Mukang hindi rin sila nakaka ramdam ng pagod habang sinusundan ako, samantalang ako ay pagod at sumasakit narin ang mga sugat kona natamo sa pag takbo dito sa kagubatan.

Hindi ko sila kilala, at wala akong natatandaan na may atraso ako sa kahit na sino. Kaya hindi ko alam kung bakit nila ako hinahabol at gustong patayin.

"Oppsss... Paano ba yan miss angel? Wala kanang matatakbuhan. Bangin na iyang nasa likod mo."

Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko. At tama siya, wala na akong matatakbuhan.

"Sumama ka nalang sa amin para hindi kana masaktan pa." Usal ng lalaking nakatutok ang hawak na baril sa akin.

Umiling ako sa sinabi ng lalaki at tumingin sa ilalim ng bangin. Hindi ko makita kung mataas ang bangin dahil madilim, ngunit hindi naman siguro ako mamamatay kung tatalon ako. At kung oo, mas nanaisin ko nalang na tumalon kesa sumama sa kanila.

"Hindi ko kayo kilala, so I'm not going with you." Matigas na usal ko.

Nag-igting naman ang panga ng lalaking nakatutok ang baril sa akin, senyales na hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. "Kung hindi karin lang naman sasama sa amin, mas mabuti pang patayin nalang kita."

Hindi paman nag po proseso sa utak ko ang sinabi nito ay kaagad na akong naka rinig ng putok ng baril at naramdaman ko nalang ang pag hapdi sa kanang braso ko.

Nawalan ako ng balanse dahil sa impact ng putok ng baril nito at naramdaman ko nalang ang pagka hulog ko sa bangin at ang pag tama ng ulo ko sa batong kina hulugan ko bago ako mawalan ng malay.

***

Dahan dahan na bumangon ako sa aking higaan at pinunasan ang pawis sa noo ko dahil sa panaginip ko. Pa ulit ulit kong napapanaginipan ang tagpong iyon kahit na matagal na iyong nangyari at wala akong matandaan tungkol sa pangyayaring iyon, maliban lang kung napapa naginipan ko ito.

Napa lingon ako sa crib ng kambal na anak ko ng biglang umiyak ang mga ito. Lumapit ako sa crib nila pagkatapos kung suotin ang babay carrier nila at isa isa silang inilagay sa carrier na suot ko.

Kapag ganito kasing umiiyak sila at hindi naman gutom ay alam kong gusto nilang magpa karga.

"Namimiss niyo na naman ang yakap ni momma no?" Nilaro laro ko ang maliliit na daliri ng mga ito na ngayon ay tumigil nasa pag iyak at nagla labas na ng munting hagikgik.

Nasa ganoon kaming posisyon ng maka rinig ako ng mga yabag mula sa labas ng kwarto ko. Wala akong ibang kasama dito sa bahay at alam kong ang mga taong nasa labas ay ang siyang mga taong nasa panaginip ko.

Simula noong mahulog ako sa bangin at maka ligtas ay palagi na silang sumusunod sa akin. Kaya bago pa sila makapasok sa kwarto ko ay kaagad konang binuksan ang wooden cabinet na nandito sa loob ng kwarto ko bago pumasok at isinara ito.

Binuksan ko ang katapat na dingding ng pintuan ng cabinet at kaagad na lumabas. It's a secret passage palabas ng bahay ko.

Kaagad akong tumakbo ng mabilis ng makitang palabas narin ng secret passage ang mga ito.

Mahigpit na hinawakan ko ang carrier ng kambal na suot ko habang mabilis na tumatakbo. "Hang on there babies, hindi ko hahayaang mahuli nila tayo."

Naka rating ako sa kalye na hindi nila nahahabol, pero bago paman ako maka tawid sa kabilang kalsada ay na silaw na ako sa ilaw ng sasakyan na palapit sa kinaroroonan ko.

Hindi ko mai galaw ang mga paa ko at bigla na lamang akong natumba habang yakap ang carrier ng kambal at nawalan ng malay.

Nagising ako na nasa isang kwartong puro puti ang makikita at may naka kabit sa aking dextrose.

'Nasa hospital ako.'

"You're awake."

Napalingon naman ako sa boses na nasa kaliwa ko. "S-sino ka? At anong ginagawa ko dito? A-ang mga anak ko nasaan sila?" Nag papanic na tanong ko ng hindi ko makita ang kambal at isiping baka isa ang lalaking ito sa humahabol sa akin.

"Relax miss wala akong gagawing masama sayo. And to answer your question, ako ang nag dala sayo dito sa hospital muntik na kitang masagasaan kanina sa daan buti nalang nakapag preno ako and for your babies dinala muna sila ng nurse sa nursery since tulog kapa kanina, but don't worry pabalik narin iyon." Mahabang paliwanag nito.

"Are you okay now?"

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago dahan dahang tumango sa tanong nito at pa upo na sana sa kamang kinahihigaan ko ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nasa late 50's kasunod ang napaka daming mga lalaking naka itim nasa tingin ko ay mga bodyguard nito.

'Teka, parang pamilyar siya. Saan ko nga ba siya nakita?' Tanong ko sa aking isip habang mataman na nakatitig sa matandang lalaki. 'Naalala kona. Siya ang presidente ng pilipinas. But wait! Ano naman ang ginagawa niya rito?'

Nasagot ang tanong ko ng biglang tumayo ang lalaking nagdala sakin dito sa hospital at tinawag itong papa.

"What are you doing here pa?"

"The Chief of this hospital send an email to my secretary saying na nandito ka daw sa hospital nila. I was worried kaya pumunta ako dito. Are you okay son?" Nag aalalang tanong nito sa anak bago bumaling sa akin. "And who is this beautiful lady?"

"Siya yong dinala ko dito sa hospital. Muntik kona siyang masagasaan kanina luckily at kaagad akong nakapag preno but sad to say natumba na siya bago ko paman mabunggo kaya dinala ko nalang dito." Tumango tango naman si Mr. President bago lumapit sa direksyon ko. Pero bago paman ito makapag salita ay bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang nurse dala ang kambal.

"Here's your baby ma'am." Naka ngiting inabot ko naman sa mga ito ang kambal at kinarga ng sabay. Hindi na ako nahihirapang kargahin sila ng sabay dahil sanay na naman ako.

Nag paalam na ang dalawang nurse pagka tapos nilang ibigay sa akin ang kambal. Napa tingin naman ako sa presidente ng hawakan nito ang maliliit na kamay ng kambal.

"Ang ga gwapo ng mga anak mo." Pa puring ani nito na ikina ngiti ko.

"Maraming salamat Po!"

"Oo nga pala son kelan siya pweding lumabas?" Baling nito sa direksyon ng anak nito.

"This afternoon, wala namang problema sa kanya nahimatay lang talaga siya kanina." Tugon nito.

Tumango tango naman ang ama nito bago bumaling sa akin. "May matutuluyan kana ba hija? Kasi kung wala pa doon ka muna sa bahay ni Zach since muntik kana niyang masagasaan kanina and it's he's responsibility to look after you and your twins."

"Ahmm wag na Po Mr. President nakaka hiya naman Po. Dinala na Po niya ako dito sa hospital at sapat na Po iyon." Nahihiyang ani ko.

"No! You need to stay with him, just think of it bilang kabayaran sa muntik ng pagka sagasa ng anak ko sayo." Mariing sabi nito bago tumingin sa anak. "Am I right? Zachary luxwill Lavigne?"

"But dad-- "

"No but's Zachary, muntik mona silang masagasaan kanina kaya bilang kabayaran doon sila titira sa bahay mo at aalagaan mo sila. Utos ko iyan bilang ama mo."

"Pero dad hindi pwedi. Alam mo namang- "

"Walang pero pero Zachary, kung ayaw mo akong sundin bilang ama mo then bilang presidente nalang ng bansang ito. Inuutusan kitang patirahin mo sila sa bahay mo, alagaan mo ang mga anak niya at pati narin siya." Ma awtoridad na sabi nito. Walang nagawa ang anak nito na si Zachary kundi ang tumango nalang. Sino bang hindi sasang ayon kung mismong utos na iyon ng presidente ng bansa.

"Okay then miss, sa bahay na kayo titira simula mamaya. Lalabas lang ako para asikasuhin ang bill mo dito sa ospital para maka uwi na tayo." Pagka labas nito ay hindi rin nag tagal at nag paalam narin si Mr. President.

Sigurado akong ligtas kami doon sa bahay niya, after all he's the president's only son at sigurado akong may nagba bantay sa kaligtasan niya at mas ligtas kami ng mga anak ko kapag nandoon kami.

Saka na lamang ako mag hahanap ng bago naming matu tuluyan. But for now, doon na muna kami sa bahay niya.

🦋

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 5 Gun Shot Scar   05-05 11:48
img
img
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY