"Pa'no kung..." I trailed that made her intrigued more. I twinkled my eyes a lot of times that made her brows turned up. "Ikaw na lang ang maggawa ng project ko?"
She scoffed unbelievably. "How dare you!" Nakangiwi niyang sigaw na nagpapikit sa 'kin. Her black curly hair moved swiftly when she adjusted her seat pissedly.
Ang tinis ng boses niya!
Napakrus ako ng braso at binigyan siya ng pekeng malungkot at miserbleng mukha na mas lalong nagpaasim ng mukha niya.
"Sige na, Fern, may gagawin pa 'ko mamaya kaya siguradong hindi ko maaasikaso ang project na 'yon," Pagpapaawa ko. Napaismid naman siya. "Ba't kasi bukas na ang deadline na 'yon..." I murmured.
"Tanong mo kay Ma'am, 'wag sa 'kin." Maarte niyang saad at inirapan ako.
Inirapan ko naman siya pabalik at napahalumbaba. Malapit nang masira ang araw ko. Sana nga lang malaki ang sweldo ngayong araw na ibibigay sa 'kin. Sayang lang ang paggising ko ng maaga.
Napaayos ako ng pagkakaupo at mabilis kong kinawayan si Fern na mula pa pagkabata ang kaibigan ko na. Tumaranta naman siya.
"Sige na, bukas na lang, magkikita pa naman tayo-" she cut me off by yelling.
"Teka lang, Audrey! Seryoso ako! Kung ayaw mong bumalik sa pagiging Grade 12, pwes magsipag ka!" Malakas niyang sermon.
Napaikot ang mata ko. "Oo na," naiinis kong saad. "Feeling nanay 'to..." I mumbled that made her nose hole larger.
"Kung i-fro-frontstab mo man ako, 'wag mong iparinig!"
Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis bago nagmamadaling tinapos ang video call. Nakangisi akong nagpalit ng damit na puting t-shirt at itim na shorts bago lumabas ng kwarto para makapunta na sa pinag-aabalahan ko kada madaling araw.
"Ma! Alis na 'ko!" Malakas kong pagpaalam kay Mama.
Nagmamadali naman siyang lumabas mula sa kwarto niya habang nakatuwalya pa. "Sige, mag-iingat ka!" May nakalagay pang toothbrush sa ngipin.
Mukhang maaga ang pagpunta niya sa paaralan niya, ah. Guro kasi siya sa elementary school sa kabilang bayan.
Mag-isang magulang si Mama sa 'kin dahil no'ng ilang buwan pa lang daw ako sa tiyan niya, ikakasal na pala si Papa. Kaya simula no'ng bata pa lang ako, si Mama lang ang nagpalaki sa 'kin.
Ang pagiging guro niya ang naging tulay para makakain kami ng tatlong beses kada araw kaya 'yon ang palagi kong pinasasalamatan kahit minsan nagbubulakbol ako sa pag-aaral.
I'm always grateful for having my Mother by my side even though she's already left by my Father.
Nagmamadali naman ako lumabas ng bahay at tumungo ang pinagkakaabalahan ko kada umaga.
The gasoline station.
"Gwapong umaga, Kuya Igme!" Bati ko kay Kuya na bente-singkong taong gulang. Siya ang pansamantalang nagpapatakbo ng gasoline station na 'to.
Nginitian niya ako ng maliit at tinanguan bago magpatuloy sa pag-operate ng gas machine.
Kaya siya ang nag-aasikaso dito, dahil ang sabi niya ay nasa Manila pa daw ang may-ari nito. Siya daw muna ang pinaasikaso dito dahil baka ilang buwan pa ang abutin bago bumalik ang may-ari.
Dito ako nakakuha ng pera kapag may gustong akong mabili. Sa pamamagitan ng pagtulong dito kada madaling araw at bago mag gabi.
Worth it naman dahil kada pagkatapos ng trabaho kada araw, binibigyan ako ng maliit na sweldo. Minsan 100, minsan naman, kalahati lang no'n. Worth parin 'yon dahil araw-araw naman akong pumupunta dito.
"Ano ako ngayon, cashier o operator ng gas?!" I loudly inquired while wiping the cashier's glass wall from the outside.
Tinuro niya ang loob ng cashier room bago magpatuloy sa pag-aayos ng bombilya na tabi lang ng machine. Nasira 'yan kagabi dahil may isang tricycle na aksidente 'yang nabunggo dahil sa dami ng mga motor na gustong magpa-gasolina.
Mga agresibo talaga ang mga matatandang taga dito sa Luton. Buti na lang hindi pa 'ko matanda, pero... Napangisi ako. Agresibo rin ako.
Dahil sa mga pinag-iisip ay hindi ko napansin na nadulas na pala ako sa pagsubukang pag-abot ng sobrang taas na parte ng glass wall. Ang ending, bagsak ang pwet ko sa sahig. Gumawa iyon ng malakas na tunog na mas lalong nagpangiwi sa 'kin.
Sobrang sakit pero... Kailan pa nagka-tubig ang sementadong sahig na 'to?
Bago pa 'ko malunod sa tanong na 'yon, parang ninja akong bumalik sa pagkakatayo, tinaas ko pa ang kamay sabay baba nito para pag-pagin ang pwet at paa ko na nadumihan at nabasa.
Buti na lang itim 'to.
Napatigil ako sa pag-pagpag nang maramdaman ko ang mga tingin ni Kuya Igme. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at kasalukuyan siyang nakatigil sa paggalaw habang maliit ang matang nanunuod sa 'kin.
Base sa reaksyon niya, siguro iniisip niyang weirdo ako. Ha! 'Wag siyang mag-alala, hindi siya nag-iisa sa pag-isip no'n.
Dahan-dahan akong ngumiti ng malaki, 'yong labas giligid, at nag-peace sign. May you think in peace, Kuya.
Napailing siya at binalik ang tingin sa bombilya. "Babae ba talaga siya?" He murmured.
I smirked and got back from wiping the glass wall. Don't worry, I'm a girl, just half ninja.
Isang oras akong nanatili do'n gaya ng ginagawa ko araw-araw, isang oras sa umaga na mula ala-sais hanggang ala-siyete. Pagkatapos, ay bumalik ako sa bahay para maligo at maghanda para pumasok.
Ilang oras rin ang klase at mag-isa akong sweepers no'ng hapon kaya natagalan pa ng konti. Buti na lang at tinulungan ako ni Fern nang ma-realize niyang babalik ulit ako sa gas station.
Pinaalala niya pa ulit ang project na deadline bukas kaya mas lalo akong tumaranta. Agad naman akong kumalma ng konti nang pumasok sa isip ko na ang sweldo ko na lang sa gas station ang ibibili ko ng requirements para hindi ko na kailangang humingi kay Mama.
Pagka-uwi ko ng bahay ay lagpas ala-singko na kaya nagmamadali akong nagbihis.
Palaging bandang ala-sais ng gabi si Mama nakakauwi kaya kailangan kong palaging isara ang pinto.
Sabay rin naman kaming uuwi mamaya.
Nagsuot ako ng dark green jogging pants at puting t-shirt na maliit na sa 'kin kaya nagmukhang crop top. Wala naman akong choice dahil sa sabado pa kami maglalaba ni Mama. Ipinusod ko rin ang lagpas balikat kong buhok na kulay jet black na siyang namana ko daw kay Papa.
Halos takbuhin ko na ang daan papuntang gas station na walking distance lang rin naman para hindi madali. Napahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naman gano'n kahaba ang pila ng mga nagpapa gasolina.
Nang makarating na ako sa tabi ni Kuya Igme ay halos patayin na niya ako gamit ng titig dahil sa sobrang late. Idinahilan ko na lang na tatlong beses akong nadapa papunta dito kaya natagalan kahit... hindi naman gano'n 'yon para hindi na humaba ang usapan.
Ako ang pina-operate niya ng machine kaya naging ganado ako kahit na stress ang pagiging ninja ko dahil sa pagtakbo.
Maraming tricycle at motor driver ang sumisingit kaya nairita ako ng konti. Konti lang talaga-Dyos ko nanggigigil ako!
"Manong Remi! Umayos kayo kung ayaw niyong hindi mabigyan ng gasolina!" Singhal ko kay Manong Remi na siyang pasimuno ng singitan ngayon.
Napakamot naman siya sa ulo niya at tinanguan ako bago i-maneho ang tricycle papuntang huli ng linya. Syempre gagawin niya 'yon dahil alam naman niyang seryoso ako sa sinigaw ko.
No'ng nakaraang buwan, nangyari rin ang ganitong singitan. Aba't nakita ko kung sino ang tarantadong pasimuno no'n kaya sininghalan ko 'yon ng paulit-ulit, pero ang loko ay hindi nagpatinag at gusto talagang maunang mabigyan ng isang gallon ng gas kaya ang nangyari, tubig ang nilagay ko sa gallon at 'yon ang ibinigay ko sa kaniya. At ayon... tumahimik na.
Mula no'n, wala namang umulit pang sumingit dahil ikinalat 'yon ni Manong Remi-ang hari ng mga tsimoso dito sa Luton. Pero parang bumaliktad 'ata ang mundo, siya naman ang sumisingit na 'yon.
Mukhang sideline niya 'to. Taga-singit.
Napaismid ako do'n at nagpatuloy sa pagbibigay ng mga gas na binibili nila.
Para sa ibang lugar, nakakahiya kung puro piso-piso ang ibinabayad sa binibili nila pero hindi dapat sila nagpapakain ng hiya na 'yon, dahil sila at sila pa rin ang bumibili hindi ang mga nagbebenta.
They shouldn't be ashamed of buying using coins, because what should be more important, is they will pay the exact amount. Walang labis, pwedeng kulang.
No'ng nagsimula akong magtrabaho dito, pansin kong hindi tumatanggap ng sobrang bayad si Kuya Igme. When I asked him why, he said that that's what the owner of the station reminded him.
That he can accept not enough money, but... he should never accept too much money that paid to him. In short, hindi siya tatanggap ng sobrang bayad.
Tinanong ko rin sa kaniya kung bakit gano'n pero ang tanging sagot lang niya ay kibit-balikat dahil siya mismo ay hindi rin alam ang sagot.
Napabalik ako sa realidad nang iwagayway ni Manong Remi ang kamay niya sa harapan ng mukha ko. Saka rin ang pagdating ng itim na magarang kotse para magpagasolina. Gumawa iyon ng malakas na tunog.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang kotse na 'yon at napangisi. Halatang bago lang, ah!
Agad kong binalik ang tingin kay Manong Remi ngumiti ng malaki sa kaniya bago nagmamadaling kumuha mula sa likod ng gas machine ng isang gallon na naglalaman ng worth 50 pesos gasoline.
Matagal nang dito nagpapagasolina si Manong at laging 50 pesos ang binibili niya. Nasanay na ako no'n kaya hindi na niya kailangang ipaalam sa 'kin kung ilan ang bibilhin niya.
Bitbit ko sa kaliwa kong kamay ay gallon at ginamit ko naman ang kanan kong kamay para punasan ang namumuo kong pawis sa noo.
Hindi naman ako nandiri sa pawis na 'to dahil para sa 'kin, ang pawis ay hindi simbolo ng maduming tubig mula sa sarili, dahil simbolo ito ng paghihirap.
Kung pinapahalagahan mo ang paghihirap, kapag maramdaman mo na ang pawis mo, saka mo iisipin na ito na ang resulta ng pagiging masipag mo.
So, I don't easily get disgusted by sweat.
"Mag-isip isip po tayo, Manong, ah!" Pagbitaw kong ibinigay sa kaniya ang gallon at agad naman niya itong tinanggap.
Kinailangan niya pang humangad ng konti dahil mas mataas pa 'ko kaysa sa kaniya kahit medyo may edad na siya.
"Bakit?" Nagtatakang niyang tanong at inilagay ang gallon sa loob ng tricycle niya bago ibalik ang tingin sa 'kin para hintayin ang sagot ko.
I smirked. "Baka kasi sa tyan mapunta ang gas na binili dahil sa pagiging sobrang tsismoso." I muttered, still with a smirk and put my hands on my waist.
Napatawa siya ng malakas at napakamot sa ulo. Hindi pa ba niya na-realize na kalbo siya?
"Hindi 'yan, Hathor!" Malakas niyang pagtanggi. Napasimangot ako nang ginamit na naman niya ang pangalawa kong pangalan.
As usual, 'yan ang pangganti niya sa akin. Alam kasi niyang mawawala ako sa mood kapag may tumawag sa 'kin gamit ng pangalawa kong pangalan.
Mas lumakas ang pagtawa niya nang mapansin amg reaksyon. Napahawak pa siya sa tiyan, feel na feel ang natitira niyang oras para tumawa.
Napakrus ako ng braso at pabirong inirapan si Manong. Buti na lang na kahit anong sabihin ko sa kaniya ay mukhang hindi naman niya 'yon sine-seryoso.
Napatingin ako sa itim na kotse nang maramdama ko ang pagtitig sa akin ng kung sino. Akala ko si Kuya Igme 'yon dahil nando'n siya sa tabi ng kotse, nilalagay ang gas machine hose sa lagayan ng gas ng kotse, pero kumunot ang nuo ko nang makitang nakatalikod naman siya mula sa 'kin kaya nahinuha kong hindi siya ang kanina pang nakatingin sa akin.
Ramdam ko pa rin ang titig na 'yon kay nilibot ko ang tingin sa banda ng itim na kotse. Tumigil ang mata ko sa bintana ng backseat.
Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang oras habang nakatingin ako do'n. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
Ba't pakiramdam ko... may katitigan ako ngayon?
Ilang segundo akong nakakatitig do'n, rinaramdam kung may katitigan ba talaga ako ngayon at... saka nakumpirma ang konklusyon na 'yon nang... biglang bumukas ng konti ang pinto na para bang nasandalan ang handle, pero tumaas ang dalawa kong kilay nang agad rin naman iyong binalik sa pagkakasara ng maayos.
Napaiwas ako ng tingin do'n at nginitian ng pilit si Manong, nagtataka pa rin sa nakatitig ko at kung bakit... hindi pa rin nawawala ang mabilis na tibok ng puso ko.
Inunahan pa 'ko sa karera.
"Unahin niyo ang sarili niyo kaysa sa pangalan ko," Pansamantala kong iniwas sa isipan ang taong nasa back seat ng itim na kotse na 'yon.
"Mas intindihin niyo muna ang kung anong i-tsi-tsismis niyo bukas! Meron na ba kayong nakalap na impormasyon tungkol kay Marites sa kabilang baryo?"
Parang dismayado siyang umiling. "Wala pa, kasalukuyan pa rin akong nagtatanong sa mga kakilala ko mula do'n kung nakipag-sabunutan ba talaga si Marites, at alam mo ba?" Lumapit siya ng konti sa akin para bumulong.
Sinakyan niya talaga ang biro ko.
"Ano po, Manong?"
Bumulong siya sa maliit na boses. "Hindi pala siya ang kabit. Siya pala ang totoong asawa-"
Agad akong napailing at sininghalan siya ng malakas. "Pagdating talaga sa tsismis-"
Ako naman ngayon ang napatigil sa pagsasalita, pero hindi sa pamamagitan ng tsimsis ni Manong Remi, kundi sa biglang pagbukas ng bintana mula sa itim na kotse na nasa backseat na siyang kanina ko pa sinusulyapan.
Pareho kaming napalingon do'n at habang nagsla-slide pababa ang bintana, dahan-dahan naming nakita ang lalaking may buhok na kulay chestnut, mahabang itim na pilikmata na may matang kulay bronze na kasalukuyang matalim na nakatitig sa amin, matangos na ilong, at mapulang manipis na labi.
Agad nagtama ang mga mata namin na nagpatalon ng puso ko. Saglit kumalma ang mga kilay niya at sa oras na 'yon, pakiramdam ko, saglit tumigil ang oras, hindi nga lang literal.
Ilang segundo kaming nagkatitigan, hindi kumukurap pero agad siyang umiwas ng tingin nang inipit ko ang labi ko, mukhang 'yon ang nagpagising sa aming dalawa
Nakakunot na naman ang noo niyang humarap sa harapan ng kotse nila at pinag-krus ang braso.
"Ingay..." Naiirita niyang bulong na hindi nakatakas sa malakas kong pandinig.
G-gago.
Kita ko sa peripheral vision ko ang pagkuha ni Kuya Igme ng hose mula sa butas at sumaludo sa driver nang kotseng sinasakyan no'ng gagong lalaking 'yon.
Rinig ko ang pagkausap ng nasa driver seat ng itim na kotse. "Garege! Ibalik mo na ang pagkakasarado ng bintana, sayang ang aircon."
Saglit akong sinulyapan no'ng chestnut-hair na lalaki na nagpalunok sa 'kin bago na niya isara ang bintana at saka tuluyang umalis ang kotse.
Nakatingin pa rin ako do'n kahit nawala na 'yon sa paningin ko. Napahawak ako sa dibdib sabay sandal sa machine na nasa gilid ko.
Gago 'yon, ah!