Get the APP hot
Home / Romance / Cause You Are My Lion Heart
Cause You Are My Lion Heart

Cause You Are My Lion Heart

5.0
20 Chapters
701 View
Read Now

About

Contents

LOVE, for Sunny Lopez, that is the most complicated feeling na ayaw niyang maranasan. Why? That is simply because naranasan na niya ang pait ng salitang pag-ibig noong high school pa lamang siya. Hindi lang basta sakit ang naramdaman niya noon lalo na at naramdaman niya kung paano mapaglaruan ang inosente niyang puso kaya mula noon ay nangako na siya sa kanyang sarili na hindi na siya iibig pang muli. IYON nga lang, kahit na anong takas pa ang gawin niya sa salitang iyon ay magagawa pa rin siyang sukulin nito. And to make the matters worse, ibabalik pa siya ni Tadhana sa lalaking minsan nang nanakit sa inosente niyang damdamin. MAGAGAWA pa nga ba niyang matakasan ang salitang pag-ibig o mahuhulog na naman siya sa lalaking minsan nang nagpaibig sa kanya?

Chapter 1 FIRST DAY OF WORK

“MR. PRESIDENT, g-gusto kita,” ang nanginginig na sabi ni Sunny Lopez sa isang lalaking madalas niyang makita sa library na presidente rin ng kanilang student organization.

Nang napansin ni Sunny na wala siyang nakuhang sagot mula sa binatilyo ay nagsalita na muli ang dalagita, “H-Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ko. Isipin mo na lang na -”

Hindi na nagawa pang tapusin ni Sunny ang kanyang sasabihin dahil sa sinabi ng lalaking nasa harapan niya, “Sure, pwede naman natin sigurong subukang magdate.”

Isang malawak na ngiti na lamang ang sumilay sa labi ni Sunny nang narinig niya ang sinabing iyon ng lalaki sa kanya. Hindi niya inakalang mapapansin din ni Mr. President ang nararamdaman niya.

Nangyari iyon sampung taon na ang nakakalipas. Marami na ang nagbago sa buhay ni Sunny. From being a bright Sunny ay isa na siyang grumpy Sunny na hindi magawang maligawan ng kahit sino dahil sa kasungitan niya. Maski ang kanyang Mama Wendy at Papa Wilfred ay nahiwagaan sa biglaang pagbabago ng personality lalo na at napansin nila pareho ang pagiging allergic niya sa salitang pag-ibig.

“WHAT?! I made a request na sa English literature ninyo ako ilagay as an editor,” ang inis na sambit ni Sunny nang nalaman niyang sa Filipino literature siya ilalagay bilang editor ng Lion Heart Publishing Company. “Hindi ako marunong mag-edit ng Tagalog novels!”

“Do not worry about it, Miss Lopez,” sagot naman ng general manager ng Lion Heart Publishing Company. “May experience ka naman sa editing kaya walang masama kung susubukan mo ang pag-edit ng Tagalog novels. Madali namang pakisamahan ang mga co-workers mo kahit na halos puro sila kalalakihan.”

Muntik nang mapanganga si Sunny sa narinig. Buong akala niya ay puro babae ang makakasama niya sa trabaho. Bago pa man makapagsalita si Sunny ay hinila na siya ng general manager papunta sa isang kuwarto kung saan namamalagi ang editors ng mga Tagalog novels. Hinayaan na lamang niya ang kausap niya na kaladkadarin siya lalo na at ginusto rin naman niyang pumasok sa ibang kumpanya.

“Wala naman sigurong masama kung susubukan kong mag-edit ng Tagalog novels,” sambit ni Sunny sa kanyang sarili. “I will just give myself one month para malaman ko kung tatagal ba ako sa trabahong ito. Kung hindi ako magtatagal dito ay magreresign na lamang ako.”

Nasa usapin na kaagad ng resignation ang utak ni Sunny nang sandaling iyon kaya hindi na niya namalayan pang nakarating na pala sila sa tapat ng isang malaking room kung saan makikilala na niya ang mga makakasama niya sa Filipino literature department..

“Everyone, kasama ko ngayon ang bagong editor na dadagdag sa team ninyo, si Miss Sunny Lopez so please make her comfortable dahil siya lang ang nag-iisang babae sa department ninyo,” sabi ng general manager sa mga lalaking nasa loob ng department. “Treat her with respect kung ayaw ninyong sipain ko kayo isa-isa!”

Sunny shudders nang narinig niya ang pagbabanta ng general manager ng Lion Heart Publishing Company. Seriously, kahit na sabihin pang sikat internationally ang nasabing publication ay hindi naman niya maiwasan na hindi mapangiwi lalo na nang iwan na siya kaagad ng general manager. Ni hindi nga niya alam kung ano ang gagawin niya dahil para siyang napasok sa isang kuwarto na puno ng mga zombie. Wala na siyang nagawa nang sandaling iyon kundi magpakilala na lamang kahit na mukhang hindi interesado ang mga co-workers niya sa kanyang pagpapakilala.

“Alam na namin na bago ka rito so move your ass and go to your desk!” bulyaw kaagad ng isa sa mga kasamahan niya. “Kailangan mo nang kumilos at marami pa tayong novels na ieedit ngayon!”

Sunny clicks her tongue in annoyance. She wants to answer back, kaso nga lang, ayaw naman niyang makipag-away sa unang araw niya sa bago niyang trabaho. She lets out an annoyed grunt habang papunta siya sa mesang magiging desk niya.

“Pagpasensiyahan mo na ang chief editor natin, si Sir Juris,” sambit ng isang lalaking malapit sa desk niya. “Nasa peak period kasi tayo ngayon kaya mainit ang ulo niya.”

Bago pa man makapagsalita si Sunny ay nagpakilala na ang binata sa kanya, “Ako nga pala si Raine, nice to meet you.”

KAHIT na sabihin pang hindi talaga sanay mag-edit ng Tagalog novels si Sunny ay hindi naman niya hinayaang maramdaman ng mga bago niyang kasama sa trabaho na pabigat siya sa kanila. Kahit papaano ay nakuha naman niya kaagad ang loob ni Raine kaya hindi ito nakulitan sa mga naging tanong niya.

“Ang akala ko ba ay may experience ka na sa pagiging editor? Bakit panay ang tanong mo sa kanya?” ang sunod-sunod na tanong ni Juris nang napansin na niya ang ingay ng dalawa.

“Pasensiya na po, Sir,” sagot naman ni Sunny in a heavy tone. “I need some adjustments lalo na at hindi naman po ako expert sa Filipino language.”

Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Juris nang narinig niya ang heavy tone ni Sunny. Seriously, isang malaking sakit sa ulo ang editor na ipinasok sa department niya. Iyon nga lang, bago pa man niya mabara ang dalaga ay tumunog ang phone na nasa harapan niya. He is hoping na maipapasa na ng isa sa mga writers niya ang manuscript nito. Iyon nga lang, sadyang mapaglaro si Tadhana dahil hindi nito pinakinggan ang kahilingan niya. Heck, hindi niya kailangan ng fillers sa isang kuwento. Ang kailangan niya ay ang plot na mismo.

“Oi, newbie, sumama ka sa akin!” sambit agad ni Juris sa dalaga. “May kikitain tayong pasaway na writer.”

Bago pa man makapagprotesta si Sunny ay nagawa na siyang hilahin ni Juris mula sa kanyang kinauupuan. Wala nang nagawa ang dalaga nang oras na iyon kundi ang kunin na lamang ang dala niyang bag.

“Iwan muna namin kayo,” ang mabilis na sabi ni Juris sa mga kasama nila. “Kapag wala akong nakitang revisions sa mga binabasa ninyo ay sisiguraduhin kong mawawalan na kayo ng trabaho mamaya!”

“Yes Sir!”

“Move! Hindi ka isang prinsesa na dapat kong hintayin!” sambit pa ni Juris nang nakita niyang nakatulala lamang sa kanya si Sunny.

Wala nang nagawa si Sunny nang sandaling iyon kundi sundan na lamang ang kanyang bagong amo. She has no other choice lalo na at hindi pa rin naman niya alam kung ano ang sistema sa nasabing publishing house.

“Hindi ba okay lang naman kung magsusubmit muna ng fillers ang isang writer kaysa naman sa wala siyang maipasa sa inyo?” tanong ni Sunny sa binata.

“That will only work kung aligned sa plot na ibinibigay nila,” sagot naman ni Juris in a cold tone. “Tanging mga tamad na writer na walang passion sa pagsusulat lamang ang gagawa niya.”

“Well, dumarating din naman sa point na nawawalan ng inspirasyon ang isang writer nila kaya nawawala sila sa plot nila,” depensa naman ni Sunny. “Isa pa, nakalibro naman na tayo so pwede naman sigurong -”

“Hindi lang libro ang pinapublish natin,” ang mabilis na sabi ni Juris. “We also have online platforms na binabayaran ng consumers kaya kailangang may quality ang mga gawa nila, got it? Sabi mo ay isa kang editor so dapat alam mo kung ano ang environment na mayroon tayo.”

Bago pa man makapagprotesta si Sunny sa sinabi ni Juris ay inunahan na siya ng binata, “Kung ang sinasabi mo ay nawawalan na ng inspirasyon ang isang writer, dapat ay gumawa na siya ng paraan para magkaroon siya ng inspirasyon sa pagsusulat niya. Maraming paraan, kailangan lang niyang maghanap.”

NAPAILING na lamang si Juris nang nabasa na niya ang filler na ipinasa sa kanya ng kanyang writer. Seriously, hindi niya alam kung inaasar ba siya ng writer na hawak niya.

“Sa tingin mo ba ay magiging thrilled ang mga readers mo sa chapter na ito?” tanong ni Juris in a cold tone.

“Juris naman, alam mo namang wala akong makuhang ideya ngayon para sa isinusulat ko,” sagot naman ni Minami na writer ni Juris. “Filler lang naman iyan kaya sa tingin ko ay okay na iyan.”

“Kung sa akin pa lang ay hindi na pumapasa itong gawa mo, paano pa ito papasa sa mga readers mo mismo?” tanong ni Juris. “Maski ang kiss scene mo rito ay walang substance.”

“Paanong -”

“Basahin mo ulit ang gawa mo,” ang mabilis na sabi ni Juris kay Minami. “Halatang wala ka pang experience sa paghalik. Nahalikan ka na ba noon o hindi?”

Napansin na lamang ni Sunny na biglang namula ang mga pisngi ng kausap nilang writer. Akmang sasabihan na niya ang binatang boss niya na sexual harrassment ang ginagawa nito kay Minami ay naramdaman na lamang niya ang paghila nito sa kanya patayo sa kanyang kinauupuan.

“If you still do not have any experience in kissing someone ay idedemonstrate ko sa iyo kung paano mo iyon gagawin,” sambit ni Juris. “Kapag nakuha mo na kung ano ang magiging reaksyon dapat ng bida sa pagkawala ng kanyang first kiss ay isulat mo na kaagad iyon, understand?”

Bago pa man makapagreact si Sunny sa sinabi ni Juris ay naramdaman na lamang niya na hinawakan siya nito sa kanyang baba. Juris tilts her head up in a way na magsasalubong ang mata nilang dalawa. Hindi na niya nagawang makaiwas pa lalo na at sa isang iglap ay naramdaman na lamang niya ang labi ni Juris sa ibabaw lang mismo ng labi niya. Nanlaki na lamang ang mata niya dahil literal na hinayaan niya ang binata nakawin ang una niyang halik. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang dalawang tenga niya sa nangyari. It is a simple and innocent kiss pero niyanig naman noon ang mundo niya.

“Nakuha mo na siguro kung ano ang dapat maramdaman ng bida, right?” tanong ni Juris nang naghiwalay ang labi nila na tinanguan na lamang ni Minami. “You better write it now kung ayaw mong ipaulit ko ang buong filler na ibinigay mo sa akin.”

No choice naman si Minami nang oras na iyon kundi kunin na lamang ang kanyang laptop at itype na ang corrections na sinabi sa kanya ni Juris. Well, maski naman siya ay nagulat sa ginawa ni Juris lalo na at hindi naman naging gawain ng binata na manghalik na lamang for the sake of a story. Nang sa tingin niya ay maayos na ang trabaho niya ay ipinakita na niya iyon sa binata.

“This is better, akin na ang softcopy ng gawa mo at kami na ang magdadala nito sa print,” sambit ni Juris. “By the way, siya na ang magiging editor mo sa mga susunod na araw kaya ayusin mo na ang mga gawa mo, okay?”

Napatango na lamang si Minami nang sandaling iyon. Bago pa man siya makapagsalita ay hinila na ni Juris si Sunny na dazed pa rin nang mga oras na iyon para makaalis na sila.

“Huwag ka nang tumunganga pa at malalagot ka na naman sa readers mo,” sambit pa ni Juris sa writer niya.

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY