Get the APP hot
Home / Romance / Ocean of Lies
Ocean of Lies

Ocean of Lies

5.0
5 Chapters
1 View
Read Now

About

Contents

Limang taon nang nagsasama sa iisang bubong sina Krystal Gerona at Gabriel Mallari, lahat ng kanilang pangarap ay unti-unti na nilang natutupad maliban sa isang bagay—ang pagpapakasal. Ngunit isang araw, may isang taong parte ng kanilang nakaraan, ang babalik upang muli silang subukin sa kanilang pagmamahalan. Makakaya rin kaya nila lagpasan ang pagsubok na ito at humantong sa simbahan?

Chapter 1 The Anniversary

Hindi ako kailanman naniwala sa ideya na kahit gaano katagal ang isang relasyon ay hindi nito magagawang masira kalaunan. Iyon ang unti-unting tumatak sa isipan ko habang lumalaki at nakikita kung paano sirain ng pagmamahal ang relasyon ng mga magulang ko.

"Happy anniversary, hon!"

Pero alam kong ibang-iba ang relasyon naming dalawa ni Gabriel. Sinalubong niya ako ng halik at ipinakita sa akin ang cake na may nakalagay na number five bilang indikasyon ng limang taon naming pagsasama.

"Inaantok pa ako." Inaantok kong wika.

"Pareho tayo." Tumawa siya at inilagay ang cake sa gilid upang alalayan akong bumangon at sumandal sa headrest.

"Pero hindi natin nasalubong kaninang madaling araw yung twelve am kasi parehas tayong pagod, 'di ba?" Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko kasi naisip na fifth anniversary pala namin ngayong araw. Lalo na't napakarami kong inasikaso sa trabaho. At ang maalala niyang anniversary namin ay sapat na para kumalabog ang puso ko nang mabilis.

"Happy anniversary, Gabriel," malumanay kong wika.

Saglit pa kaming nagkatitigan hanggang sa napangiti siya. Hindi ko na rin mapigilang hindi mapangiti lalo na nang kumindat siya sa akin.

"Gabriel, ha? 'Yang mga tactic mo, napaka luma na." Tumawa siya at hinila ako upang humiga sa kaniyang dibdib. Agad naman na pumulupot ang braso ko sa baywang niya at pumikit habang dinadama ang kaniyang haplos.

"I wish we could just stay like this. . ." Napangiti na lang ako.

Kung puwede lang din, gaya ng dati. Pero iba na ang takbo ng buhay namin ngayon. At naiintindihan naman namin ang isa't isa. Hindi na lang sa relasyon namin umiikot ang mga mundo namin. We can still do this kind of thing pero kailangan may focus na rin kami sa pansarili naming trabaho lalo na't nagpaplano na kami para sa future naming dalawa. Tatlong taon pa ang kailangan, magpaplano na rin kaming bumuo ng sariling pamilya.

"Looking back, I never thought that we could really do this," wika ko at tiningala siya. "Hindi ko inakalang darating sa puntong yung pinaplano lang natin noon, e unti-unti na nating natutupad ngayon. . ."

Napapikit ako nang maramdaman ang dampi ng labi niya sa noo ko. "Alam ko na noon pa lang na ikaw na yung babaeng makakasama ko hanggang dulo, Krystal."

Kumalabog ang puso ko habang pinakikinggan siya. Sa limang taon naming pagsasama, hindi pa rin nawawala yung kilig na nararamdaman ko sa tuwing nagsasalita siya ng mga ganito. Pero kung may nangingibabaw man, iyon na siguro ang comfort naming dalawa sa isa't isa.

"Kaya nga, salamat. Dahil nagawa mong maging patient sa akin all throughout the years that you had with me," sambit ko. "Hindi na yata ako makakahanap ng katulad mo."

"Dapat lang, Krystal. Kasi ayokong mangapa ulit sa umpisa kapag ginusto mong mawala sa buhay ko. Wala rin naman akong balak."

Natahimik kaming dalawa habang nakatitig lang sa kawalan. Paminsan-minsan, naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya at napapangiti ako. Akala ko kasi ako lang ang nakakaramdam pa rin ng ganito. Siya rin pala.

"Anong gusto mong gawin ngayong araw?" tanong niya kalaunan.

Puwedeng dito na lang tayo at 'wag nang umalis? gusto ko sanang sabihin pero naisip kong minsan na lang din kaming umalis na dalawa. "Ikaw bahala. . ."

"Alright. May plano na ako kung saan tayo pupunta ngayong araw," aniya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingala sa kaniya.

"Sige. Ano bang gusto mong gawin?" Hindi na ako nakapagsalita nang bigla siyang humilig sa akin at hinalikan ang labi ko. Naging maingat siya sa paghaplos ng buhok ko at pagdiin niya ng sarili niya sa akin kabaligtaran sa halos masakal ko siya dahil sa mahigpit kong hawak sa kaniyang t-shirt. Ipinulupot niya ang hita ko sa kaniyang baywang at mas lalo pang pinalaliman ang halik namin sa isa't isa. Parehas kaming hingal na hingal nang humiwalay. At hindi ko maiwasang mamula sa labi niyang nakangiti sa akin.

"You're so beautiful when you blush, hon. I can stare at you the whole day without even blinking," sambit niya habang hinahaplos ang buhok ko. Tinampal ko naman ang dibdib niya dahil sa kahihiyan. Pagdating talaga sa pambobola, magaling siya. Parang kahit sino, hindi makakalusot sa kaniya eh.

"Wag mo nga akong binobola, Gabriel." Inirapan ko siya. Tumawa siya sabay kurot sa ilong ko. "Kahit ang paraan mo lang ng pagtawag sa akin sa pangalawang pangalan ko, parang gusto ko nang ayawan ang lakad natin."

"Bakit ba kasi ayaw mong magpatawag ng Shin? E andami namang tumatawag sayo no'n."

Umiling lang siya. "There is an exception to every rule, Krystal. Ikaw ang exception doon. Masiyado nang masakit sa tainga ang pangalan na Shin dahil marami nang tumatawag no'n sa akin. 'Di tulad ng Gabriel, ikaw lang, 'di ba? Mas gusto ko 'yon. Yung naiiba ka. Para lang alam mo ring wala kang kaparehas."

Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko mapagkakailang natutuwa ako kasi alam kong espesyal pa rin ako kahit limang taon na kami. It means, hindi pa naman siya nagsasawa sa akin.

"So, dito na lang ba tayo?" Agad siyang humiwalay sa akin at tumayo sa aming kama.

Humagalpak ako nang tawa.

"Stop teasing me, hon. Hindi nakakatuwa."

"Sino ba may sabing tumawa ka, Gabriel?" Ginulo niya ang buhok niya at pumamaywang sa harapan ko. "You better stop it."

Hinila ko ang puting kumot at ipinantakip sa mukha ko dahil talagang natatawa ako sa reaction niya. "Can't get enough of me, Mallari?" pananawag ko sa apelyido niya.

Tinalikuran niya na ako at narinig ko pa ang marahas na pagbuga niya ng hininga. Mas lalo tuloy akong natawa. Narinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pintuan nang makalabas siya.

Nang maiwan ako sa loob ay hinayaan ko muna ang sarili kong tuluyang magising ang diwa bago tumayo sa kama at kinuha ang cake na naiwan niya sa lamesa sa gilid ng kama. Ibang klase talaga ang isang 'yon kapag naaasar. Lahat kasi ng klase ng mga bagay na dapat inaaalala, nakakalimutan niya. Sumunod na ako sa kaniya sa labas ng kuwarto. Dinig na dinig ko mula rito ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa bathroom.

"Ang aga naman niyan."

Hindi ko siya narinig na sumagot kaya natatawa akong naglakad papunta sa kusina. Inilapag ko muna ang cake sa lamesa bago hinarap ang lababo. Maliit lang naman ang apartment namin ni Gabriel, studio type. Paglabas mo ng kuwarto ay hinahati ng isang pader ang kusina at sala. Sa gilid ng kuwarto namin ay ang banyo. Hindi naman kami masiyadong mapili ni Gabriel pagdating sa mga pagkain kaya naisip kong american breakfast na lang ang gagawin ko. Or kung sa typical na pagkain ng mga pinoy sa umaga: hotdog, sunny side up egg, fried rice at coffee. Dahil nga busy na kami dahil sa mga trabaho namin, pinipilit pa rin namin na huwag kaligtaang sabay na kumain sa umagahan at pati na rin sa hapunan. Hindi rin namin hinahayaan na nakakatulog kami sa gabi na hindi nakakapagkuwentuhan.

Nang mailapag ko na ang mga plato kasama ang kape saka ko narinig ang pintuan ng kuwarto na bumukas, doon lumabas ang bagong ligong Gabriel. Malaki na ang ngiti niya ngayon kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Alam kong araw-araw ganito ang palagi nating breakfast—"

"Grabe ka naman," putol ko sa kaniya. "Minsan kaya pancit canton at tinapay lang."

"Patapusin mo muna ako, hon." Natawa naman ako.

"Alright."

"Saan na ba ako?"

"Hindi ko alam sayo." Umirap siya kaya mas lalo akong humagalpak sa tawa. "Ginulo mo kasi ako, e."

"Hindi naman ah. Tinatama lang kita," sabi ko. "Baka may kapitbahay na makarinig sayo at isiping ang sosyal parati ng mga kinakain natin, e."

Ngumuso siya ngunit lumapit na rin sa lamesa at umupo sa harapan ko. "Minsan na lang nga ako magsabi ng mga cheesy na bagay, pinuputol mo pa ako."

"Masiyado ka na kasing matanda para sa ganyan," sabi ko naman. Nagsimula na kaming kumain na dalawa at nagkuwentuhan tungkol sa kaniya-kaniyang naging ganap sa trabaho.

"Napagalitan na naman nga si Anna kasi siya yung may pinakamababang sales ngayong month," kuwento ko tungkol sa kasamahan kong real estate agent.

"Ikaw ba? Kamusta naman yung sales mo?"

Tumango-tango lang ako. "Ayos lang naman. Hindi ganoon karami, hindi rin ganoon kababa. Ang hirap naman kasi talagang magmarket lalo na ngayon, pati presyo ng semento, tumataas na."

"Kaya nga mas mabuting mag-invest, 'di ba? Ganun yung naiisip ko ngayon, babe eh. Lalo na't in-offer-an ako ng promotion baka sakaling—"

"Wait!" pigil ko sa kanya. "In-offer-an ka ng promotion?"

Malawak na ang ngiti niya ngayon na nagpatili sa akin. "Oo, iyon sana yung isa sa mga ice-celebrate natin."

"Omg! Omg, hon! Congrats! I'm so proud of you!" sunod-sunod na sabi ko sa kanya. Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko upang puntahan siya sa upuan niya at niyakap siya mula sa likuran.

Tumawa naman siya. "This is why I really wanted to be with you, even just for a day, hon. I wanted to treat you. Sakto rin naman na anniversary natin, kaya ayun." Hinaplos niya ang braso kong nakayakap sa leeg niya. "Mamaya ko pa nga sana sasabihin 'to pero dahil nandito na rin naman na at mukhang kailangan pa kitang kumbinsihin hanggang sa pumayag ka, sinabi ko na sayo," aniya sabay halik sa likod ng kamay ko.

Wala nang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko sa mga naririnig ko mula sa kaniya. Hindi namin puwedeng palagpasin ang mga ganitong pagkakataon. "Saan ba tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kaniya at humiwalay.

Humarap siya sa akin. "Grocery and dinner date."

Tinitigan ko muna siya sandali at hanggang ngayon ay hindi ko magawang intindihin kung ano bang meron sa akin at nagkaroon ako ng katulad niya.

"Thank you for existing, Gabriel," wala sa sariling saad ko.

Nakangiti lang siya doon habang inaabot ang kamay ko upang makalapit sa kaniya na agad ko namang sinunod. Lumuhod ako sa harapan niya saka ko naramdaman ang paghawak niya sa magkabilang pisngi ko at ang pagdampi ng labi niya sa aking noo.

"I existed only for you, Krystal. Para sayo lang. . ."

Wala na akong mahihiling pa.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 5 Doubt   04-15 10:27
img
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY