Get the APP hot
Home / Romance / She's Into His Rivals' Heart
She's Into His Rivals' Heart

She's Into His Rivals' Heart

0.0
10 Chapters
48 View
Read Now

About

Contents

Si Jam Bie Villarico ang isa sa pinakamatalinong estudyante ng taon. Gusto niyang sakupin lahat, mula sa pagiging Top Student, Academic Achiever (Sports), at Supreme Student Government President. Lahat gagawin niya upang makuha ang lahat ng parangal. Subalit, sa bawat nabanggit, iba ibang tao ang kanyang makakalaban. Iba’t ibang tao na magbibigay kulay at ganda sa kwento ng kanyang buhay. —- Mapapasinghal siya sa kalaban niya bilang Presidente na mula sa non-first section student, ang handsome cutie na si Mike Kael Jam. Muling magbabalik ang taong tumalo sa kanya bilang top student noong mga nakaraang taon, ang nerdy tabatchoy na si Chalmer. Hindi rin magpapahuli ang Athlete Championship Rival niya, ang friendly athlete na si James Martin. Paano kung isang araw malalaman niyang ang lahat ay nagpursiging lumaban sa buhay dahil sa kanya? Paano kung ang tatlo ay may masidhing damdaming nararamdaman para sa kanya? Bawat isa ay magtatapat ng pag-ibig. May mapipili ba siya sa tatlo o ipangangalandakan niya ang pinapangalandakan niyang aral muna bago dyowa?

Chapter 1 Newly Elected SSG President

“Let me introduce to you our newly elected Student Supreme Government President, Mr. Mike Kael Jam D. Briones.” Natameme ako matapos ibigkas ng aming principal ang bagong presidente sa susunod na taon. I keep on asking myself, why do this all fucking student choose that pa-pogi at non-first section guy over me, the most qualified President?

Ako ‘to e, si Jam Bie O. Villarico. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Walang makakapigil sa akin. I am not a loser, I always win my fight. Pero ano nga ba ang mga nagawa ko at bakit hindi ako ang pinili?

Nakatayo ako ngayon sa rooftop ng school, iniisip kung ano ang nagawa kong pagkakamali? Hanggang sa unti-unti kong naaalala ang unang beses na inanunsyo sa amin na mangyayari na ang Supreme Student Government Election.

-

“Hello! I am Robert Joshua Galleme, your Supreme Students Government President. Since, you are the 3rd year students. Nasa sa inyo ang magiging susunod na Supreme Student Government President. Nasa sa inyo rin ang maaaring Secretary, Treasurer, P.I.O at syempre 4th year representative. Block na natin ang Vice President kasi requirements na ang mga 2nd year students lamang ang pwedeng tumakbo sa posisyon na iyan, pero pati kayo ay boboto rito. Block din kayong tumakbo sa posisyong 3rd year representative at 2nd year representative, kasi nga magpo-fourth year na kayo. Alam na ninyo ang mga requirements hindi ba? Dapat ang grado ninyo ay 85 pataas upang makatakbo sa nasabing posisyon na gusto ninyong takbuhan.”

Lahat kami ay nakatingin sa aming kasalukuyang Supreme Student Government President matapos niyang ianunsyo ang nalalapit na election para sa susunod na opisyal sa susunod na taon. Napapatingin na lamang ako, isa-isa sa aking mga kaklase. Lahat ito, takot sa akin.

“Takbo ka ulit, Marites. This time ipapanalo ka namin.” Nasa malapit lang naman si Marites at ang kanyang mga kaibigan kaya naririnig ko ang bulungan nila.

“Ays. Tatakbo naman talaga ako. Pero, ayaw ko nang kumain ng alikabok dahil kay Jam. Nilampaso na nga niya ako last year sa Vice-Presidential Race. Siguro, I will run for Secretary, because I’m sexy, char!” Mabuti naman kung ganoon. Ang layo ng boto niya sa akin. Sobrang layo, na para bang wala akong kalaban. Nasa akin ang huling halakhak.

“Okey. I have box here. Get one fourth sheet of paper. Isulat lang ninyo ang buo ninyong pangalan tapos ang posisyon na gusto ninyong takbuhan. Tapos, ilagay ninyo rito.” Kukuha na sana ako ng papel para sulatan ngunit bigla na lang may inabot sa akin na papel ang kaibigan kong si James Martin.

“Ipasa mo na. Don’t worry, we got you!” Kinuha ko ang papel at nakita ko ang pangalan ko na nakasulat dito, kasunod ang posisyon na inaasam asam ng lahat. I have to claim it, I can be the next Supreme Student Government President.

Tumayo ako at pumunta sa mesa. Ipinasok sa kahon ang papel, bago umalis ay tumayo ako sa harap, kumaway at ngumiti, saka bumalik sa aking upuan.

“Wala na ‘to. Finish na ang labanan. Jam Bie Villarico for President,” narinig ko pa ang sigaw ng isa sa kaklase kong baklitang si Saliz. If I know, tatakbo rin ito. Lalapit ito sa akin mamaya para isama sa mga listahan at miyembro ng party na gagawin ko. Iyon ay kung may kakalaban.

Ilang sandali nga ay tumayo siya at tumungo sa kahon. Ginaya niya ang ginawa ko at nagsisitawanan ang mga kaibigan niyang sumisigaw nang, “Saliz para sa pagbabago.”

Don’t tell me? Siya ang kakalaban sa akin? Feeling naman niya kaya niya akong tapatan. Bahala na nga siya.

“You made it. Huwag kang mag-alala. Lahat iyan, takot sa iyo. Walang kakalaban sa iyo. Trust me!” lumapit sa akin si James Martin at ngumiting tumayo, saka dumiretso sa mesa.

Ano na naman ba ang tatakbuhan nito? First year kami noon nang naglaban kami sa 1st year representative na posisyon. Hindi man lang siya nanalo, kahit kaming dalawa na ang nangungumbinsing iboto. Nanalo naman ako, pero ang kasunod sa akin ay si Marites. Hindi man lang siya pinalad na makasama sa dalawang pipiliin.

“Ano na naman ba ang tatakbuhan mo?” tanong ko sa kanya.

“Syempre, dahil ang pogi ko. Prince Charming,” lalong humulma ang dimple sa kanyang mukha habang naka-pogi sign na nakatingin sa akin.

“Hindi ako, bobo. Wala ang Prince Charming sa pinagpipilian,” pagtatampo ko.

“Hoy, Miss President. Tampurorot ka na naman. Basta, kunin mo ako sa party mo…” Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Naka-focus lang ako kung sino ang maglalagay ng pangalan sa kahon.

“Kapag tinawag ko ang pangalan ninyo ay tumayo kayo.

Marites Acomponado for Secretary.

Angelica Oyao for 4th Year Representative.

Xeena Mae Almendra for Treasurer.

Johnson Bajuyo for P.I.O.

Karryle Deen Faderan for Treasurer.

Jam Bie Villarico for President.

Saliz Xien Romeros for 4th Year Representative.

James Martin Ampao for Secretary.

John Lloyd Rivas for 4th Year Representative.”

Nagulat ako sa tatakbuhan ni James Martin, parang gusto kong tumawa bigla. Bakit sa dinamirami ng posisyon, ito pa? Nawalan ako ng tinik nang malamang walang kumalaban sa akin. May masayang balita na naman ako para kina mom at dad.

“Villarico for President!” nagsisigawan na sila. Nabalot ng hiyawan ang buong silid. Napapangiti na lamang ako. I knew it. Walang gustong kumalaban sa akin.

“Since, kilala na ninyo ang mga tumakbo galing sa section ninyo. Bumuo na kayo ng sarili ninyong partido. Maghanap na rin kayo ng tumakbo galing sa ibang section at ibang grade. Kung sakali mang hindi kayo makahanap. May araw na ipapatawag namin kayong lahat na tumakbo? Doon, maghaharap harap ang mga tumakbo. Salamat.” Umalis din si Miss President matapos siyang magsalita ng ukol sa paparating na eleksyon. Palihim na lamang akong napapangiti dahil dito. Wala na talagang gustong matalo dahil pasa akin, alam talaga ng mga kaklase ko na hindi sila mananalo kapag ako ang kalaban.

“Ikaw ha? Secretary pala ang tatakbuhan mo. Bakit maganda ba ang panulat mo?” tanong ko kay JM. Minsan talaga JM lang ang tawag ko sa kanya e. Kung bakit ba naman kasi pinahaba pa e.

“Hindi ba? Ako na nga ang nagsulat ng pangalan mo sa papel e. Dapat ako ang secretary mo,” pagmamayabang niya.

“Sa bagay, bakla ka kasi kaya bagay sa iyo ang pagiging sexytary,” pang-iinis ko sa kanya. Hindi naman talaga siya bakla kung titingnan e, wala lang akong ibang pwedeng maasar sa kanya.

“Don’t worry. Ako lang iyong baklang pagsisilbihan ka.”

“Don’t insist yourself. I can handle myself.”

“Jam, isali mo naman ako sa line up mo?” Ang paglapit ni Marites ang biglang nagpahinto sa mahina naming asaran.

“Ikaw pa ba? Syempre, hindi. Ayaw kong magsama ng talunan.” Hindi naman sa pagmamayabang pero ayaw ko talaga sa babaeng ito.

Nakatatak pa sa aking isipin noong minsang umasa ako sa kanya para sa group project na gagawin namin. Siya na raw ang gagawa. Ipinilit ko pa ang sarili ko na, dapat ako ang gagawa. Nagpasa ako sa kanya ng mga suhistiyon ko, pero siya pa rin talaga ang nagpatuloy. Nalaman ko na lang pagpasa niya sa mga outpot namin e, wala ang pangalan ko sa members niya. Noong time na iyon, muntikan na niya akong maungusan sa pagiging nangungunang estudyante sa klase. Kaya hindi ko talaga siya kailanman bibigyan ng pansin na makaungos man lang sa akin. Isa siyang manggagamit at mapang-abuso.

“Wala lang kumalaban sa iyo, feeling reyna ka na. Ang tabas ng dila mo. Matalo ka sana!” Umalis siyang inis na inis sa akin. Matalo? Hindi no? Wala nang makatatalo sa akin. Wala ngang kumalaban, hindi ba?

“Alam mo, ‘bie’. Ang bad mo ngayon. Taong humarap sa iyo iyon, tapos paaalisin mo lang. Bahala ka nga sa buhay mo!”

“Hoy! Huwag mo akong matawag tawag na ‘bie’, hindi kita dyowa! Atsaka ano ba ang gusto mo, ha? Kukunin ko siya sa line up ko. E, magkatulad kayo ng tatakbuhan!” Bigla siyang napahinto dahil sa mga sinabi ko. Humarap siya sa akin nang dahan dahan at halata ang pilit na pagngiti.

“Huwag mo akong ngitian nang ganyan. Kung ayaw mo sa line up ko, bahala ka na rin sa buhay mo!” Tumalikod ako at nakangiting lumabas ng silid. Dinig ko ang yapak ng kanyang mga paa na sumusunod sa akin. Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinapansin habang papunta sa canteen.

“Cupcake for you.” Humara siya sa harapan ko at tuwid ang mga brasong iniabot sa akin ang paborito kong cupcake na hawak ng dalawa nitong kamay.

“Ano ito? Peace offering?”

“Bakit hihindian mo ba ako? Paborito mo ito.”

“Sige na nga. Basta, may mismo ha? Kasi miss na miss ko na talagang malibre mo!” Kilala ko na siya. Hindi siya mapakali kapag may hindi kami napagkakasunduan. Hanggang sa ililibre niya na lang ako para daw hindi na kami magkagalit. Aba e, syempre, hindi naman talaga ako galit. Lalong hindi ako nagtatampo. Ginawa ko lang talaga iyong maramdaman niyang nagtatampo ako para libre na ang snack ko. Ang wise ko talaga. Talino!

Sinabihan ko na si JM sa kung sino ang ililista niya na magiging kapartido namin. Hindi ko alam kung bakit nga ba mag-eefort pa ako gayung wala naman akong kalaban? Kaya si JM na ang pinagalaw ko. Kaya na niya iyon.

Uwian na iyon. Dala-dala ko ang nagkukumpulang libro para isauli sa Library. Tapos na rin akong mag-aral para sa preliminary examination. Kampante akong makakakuha ako ng malaking marka sa mga sandaling ito. Just like what I’ve always did.

“Idiot! Kita mo namang may dumadaan tapos babanggain mo pa? Next time, dalhin mo rin iyong utak mo dito sa school. Paaralan ito, hindi palaruan. Aba, kung gusto mo maglaro, bumalik ka sa elementarya. Doon nababagay ang isip batang katulad mo!” Hindi ko mapigilan ang magsalita matapos akong mabangga ng isang lalaking may hawak na bola. Hindi ko siya pinansin at pinagpupulot ko ang mga nahulog na librong aking dala kanina. Nakakalat na ang mga ito ngayon sa semento matapos ang bungguang nangyari.

“Miss, I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Iyong bola kasi…”

“Hindi mo sinasadya? Sisisihin mo ang bola? Hindi ito basketball court, Totoy. `Tsaka, kaya ko na itong pulutin, huwag ka nang tumulong pa. Kasalanan mo naman ito, e.” Kitang-kita ng aking dalawang mata kung paano niya sinubukang kunin ang iba pang librong nagkalat. Ngunit, patuloy lamang siya sa kanyang ginagawa kahit tinanggihan ko na.

Hindi ko pa rin siya dinapuan ng tingin. Patuloy lamang siya sa paghingi ng pasensya kasi nga raw dahil tumalon iyong bola.

Hello? Hindi iyon tatalon, kung hindi nilaro.

Huling libro na, sabay kaming nakapulot nito. Nilakasan ko ang pagkapit sa libro.

“Miss Sungit. Tutulungan na kita. Saan mo ba ‘to dadalhin?” Napatitig ako sa kanya buhat sa narinig. Miss Sungit talaga? Hello. Nagpapakatotoo lang.

Hinila ko ang libro papunta sa akin. Kilala ko ito e. Isang chickboy na basagulerong puro cutting class ang ginagawa noong 2nd year ako. Naalala ko pa kung paano muntikan ng bumagsak ang isa kong kaklase, dahil puro cutting class ang ginagawa para lang makita itong boyfriend niya.

“Malamang sa malamang sa library. Saan ba inilalagay ang mga libro? Palibhasa puro cutting class ang ginagawa mo, kaya wala kang alam. Everybody knows my name. I am the future SSG President of this school. Hindi, sungit ang pangalan ko.” Nabitiwan niya ang libro dahil sa mga nasabi ko.

“People change. Kanina ko pa sinasabi na hindi ko sinasadya hindi ba? Bakit ba ang sungit mo? Siguro, meron ka no?” Pasimple siyang tumingin sa may ibaba ko.

“Bastos!” Muling nahulog ang mga librong pinulot ko dahil inakma ko siyang sampalin. Subalit, nawalan ako ng tamang balance kaya sinalo niya ako. Nasalo niya naman ako, ngunit ilang sandali lang ay nawalan din siya ng balanse kaya tuluyan na akong napahiga sa semento.

Naglapat ang aming mga labi dahil sa aksidenteng iyon. Matagal bago ako nakamulat at sampalin siya ng diretso. Baka naman sinadya niya ang lahat? Isa siyang playboy at lahat ng gusto ng playboy gagawin niya para ikalat sa barkada.

“Patawad, JB,” bulong niya bago nagkukumahog na umalis matapos makita ang kasamahan kong sina JM at si Jeany.

“Ano ang ginawa ng ex kong iyon sa iyo?” nag-aalalang saad ni Jeany. Oo, si Jeany ang babaeng isa sa nabiktima ng poging lalaking iyon. Hays. Pogi lang naman ang meron iyon, pero ang ugali noon– masahol pa sa aso!

“Wala lang. Nagkabungguan lang kami tapos nagkasagutan. Hayaan na ninyo. Tulungan ninyo na lang akong isauli ito sa library.”

“Sabihin mo lang kung binastos ka ng lalaking iyon. Babasagin ko talaga ang pagmumukha noon!” tapang-tapangan namang sabi ni JM.

“Enough. HIndi ka marunong sumuntok, duwag ka nga e. Bakla pa. Hayaan mo na. Kilala mo naman ako, hindi ako nagpapaapi.”

“Anong bakla? Gusto mo halikan pa kita, e.”

Hindi na ako makapagsalita lalo na nang maalala ko ang halik. Ang aking unang halik.

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY