Third Person's POV
"Ready ka na ba sa magiging bagong trabaho mo Ice?" tanong ng isang matandang Babae sa isang dalagita.
"Opo tita, Hindi naman po siguro illegal yun diba?" sagot ng dalaga.
Napangiti naman ang Babae sa kainosentehan ng dalaga.
"Hindi naman Ice, bakit naman kita ipapahamak diba? Pasensya ka na talaga, kukunin kasi ako ng kapatid ko na nasa Europe eh, at may nakabili na rin ng lupa kaya kailangan kitang pagtrabahuin", salaysay ng matanda.
"Okay lang po yun tita, naiintindihan ko po", ani ng dalaga.
Mabilis lumipas ang mga araw na dumaan, ngayon ang araw ng pag alis ni Ice sa puder ng dalaga. Hiniling ng matanda sa kaniya na kung maaari ay mauuna siyang umalis dahil hindi kaya ng konsensya ng matanda na maunang umalis at makitang naiiwan ang nag iisang batang nagbigay ng kulay sa buhay niya.
"Paalam po tita, ipagdarasal ko po ang kaligtasan niyo sa biyahe, salamat po talaga sa lahat lahat" pamamaalam ng dalaga. Agad tinalikuran ng dalaga ang matanda dahil ayaw niyang makita siya ng matanda na umiiyak dahil baka mahabag lang ito.
"Kayo ng bahala sa akin panginoon, gabayan niyo po ako nay, tay, sana maging maayos pa rin ang takbo ng buhay ko ngayong nakaalis na ako sa lugar na itinuring ko na ng tahanan buong buhay ko". Bulong ng dalaga habang nakapikit.